Higit Php300, 000.00, ninakaw sa J and T Express; buy-bust operation sa Gen. Natividad, nauwi sa barilan

Nakuhanan sa CCTV kung paano nilooban ang J and T Express sa bayan ng Guimba.

Ninakawan ng mahigit tatlong daang libong piso ang J and T Express sa barangay Sta. Veronica, bayan ng Guimba.

Ayon sa report ng pulisya, alas otso ng umaga noong October 7, 2019 humingi ng tulong sa istasyon si Alljen Christ Aaron Garampil, courier ng nasabing delivery service company dahil pinasok umano ang kanilang opisina.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis at natuklasan sa CCTV footages na alas dos trenta ng madaling araw nang wasakin ng mga suspek ang roll-up door J and T Express.

Nang makapasok ang mga kawatan ay sinira ng mga ito ang mga drawer at volt kung saan nakuha ang cash.

Samantala, nauwi sa barilan ang isinagawang anti-illegal drugs buy-bust ng kapulisan at PDEA sa barangay Belen, General Natividad noong October 8, 2019.

Nauna umanong namaril ng mga pulis ang suspek sa isinagawang buy-bust operation
sa Gen. Natividad.

Napatay sa engkwentro ang suspek na si Alejandro Mendoza y Casilan.

Base sa ulat ng Natividad Police Station, nakatunog si Mendoza na pulis ang kanyang katransaksyon kaya binunot nito ang baril at binaril ang mga operatiba pero nagmintis.

Gumanti naman umano ng putok ang mga otoridad at tinamaan ang suspek na nagging sanhi ng agad nitong kamatayan.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *