Hinikayat ni President Duterte ang kahinahunan ng publiko sa Gitna ng COVID-19

Sa kabila ng banta sa COVID-19 hiniling ni President Duterte na huminahon ang lahat sapagkat patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaan sa World Health Organization upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Sinigurado din ng Presidente na handa ang Pamahalaan sa posibleng mangyari at pinayuhan na din ang lahat na tanging impormasyon lamang galing sa WHO ang paniwalaan upang maiwasan ang haka-haka na maghahatid lamang ng takot at kaguluhan sa bawat isa.

Pagkakaisa aniya ang mangibabaw sa gitna ng problema sa coronavirus upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/02/14/1992921/duterte-kalma-lang-sa-covid-19


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *