Holdaper kumasa sa parak, todas; Barangay tanod, pinagbabaril hanggang mamatay

Napatay umano ng mga otoridad ang tinutugis na holdaper nang makipagpalitan ito ng putok sa brgy. Bibiclat, Aliaga.
Napatay umano ng mga otoridad ang tinutugis na holdaper nang makipagpalitan ito ng putok sa brgy. Bibiclat, Aliaga.

     Todas ang isang holdaper matapos manlaban sa mga rumespondeng otoridad nang holdapin nito ang pasahero ng tricycle sa bayan ng Aliaga.

     Kinilala ang biktimang si Marisol dela Cruz, residente ng barangay La Purisima ng naturang bayan. Samantala ang napatay na suspek ay hindi pa nakikilala hanggang sa isinusulat ang balitang ito.

     Base sa report ng Aliaga Police Station, 3:00 ng hapon, habang nakasakay sa tricycle si Marisol kasama nina Jenny Magno at Mary Grace Doronio papunta ng palengke nang overtekan ng  suspek lulan ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Aliaga-Quezon road sa barangay Sto. Rosario.

     Tinutukan umano sila ng baril ng suspek sabay nagdeklara ng holdup at inagaw ang body bag ng biktima.

   Pagkatapos ay tumalilis ang suspek patungong bayan ng Aliaga. Kaagad namang umaksyon ang elemento ng istasyon ng pulisya makaraang matanggap ang impormasyon katuwang ang pinagsanib-pwersa ng RPSB3, PPSC Bucot, at 3rd IB, Philippine Army.

     Natugis sa barangay Bibiclat ang suspek na inatake ang isang pulis at nagtangkang tumakas na nagresulta sa palitan ng putok ng magkabilang panig.

     Nagtamo ng mga tama ng baril ang suspek na dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

     Narekober mula sa suspek ang bag ni dela Cruz kasama ang mga laman nito, at isang kulay pink na Cherry mobile cellphone na napag-alamang pag-aari ni Annalisa Gimparo na naunang inagawan ng bag ng suspek sa barangay Dona Lucia sa bayan ng Quezon.

     Nabatid na pansamantalang inilagak ang suspek sa morgue ng PJGMRG at dumaan sa autopsy examination.

Pinagbabaril hanggang mamatay ang tanod na si Dionisio Cruz habang naglalakad sa kalsada sa brgy. Sto. Rosario, Sta. Rosa.
Pinagbabaril hanggang mamatay ang tanod na si Dionisio Cruz habang naglalakad sa kalsada sa brgy. Sto. Rosario, Sta. Rosa.

    Sta. Rosa-  pinagbabaril hanggang sa mamatay ng hindi nakilalang suspek ang isang tanod sa barangay Santo Rosario.

     Kinilala ang biktimang si Dionisio Cruz y Bautista, 65-anyos, may asawa, residente ng Purok 6 ng nasabing barangay.

     Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Rosa Police Station at SOCO, 5:45 ng madaling araw, naglalakad ang tanod sa kalsada nang ratratin ng suspek hanggang malagutan ito ng hininga.

     Tumalilis umano ang nag-iisang salarin papuntang bayan ng Sta. Rosa. Inilarawan ang suspek na payat ang pangangatawan, nakasuot ng bull cap, maong na pantalon, at nakasakay sa isang blue Honda Wave motorcycle.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *