House Bill 2476 o Media Worker Welfare Act, inihingi ng suporta ni PCOO Undersecretary Egco sa NEPCI

Inihingi ng suporta ni Presidential Communications Office Undersecretary Joel Sy Egco, ang House Bill 2476 o Media Welfare Act sa pagdiriwang ng Ika – animnapu’t apat na taong pagkakatatag ng Nueva Ecija Press Club Incorporated.

Sa mensahe ni Undersecretary Egco na nagsilbing panauhing pandangal sa nasabing pagdiriwang, ipinaliwanag nito na layunin ng batas na ipinapanukala ng ACT-CIS Partylist na mabigyan ng seguridad, proteksyon at benepisyo ang mga mamamahayag sa bansa.

Bukod kay Egco ay dumalo rin sa 64th anniversary celebration ng NEPCI ang mga represenante ng Philippine Army, Nueva Ecija Provincial Police at iba pang indibiduwal na sumusuporta sa mga mamamahayag upang makapaghatid ng napapanahong balita sa mamamayan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Jun-Jun Sy ng GMA 7 na kasalukuyang president ng NEPCI sa mga personalidad na patuloy na nagbibigay ng tulong sa Nueva Ecija Press Club pangunahin na kina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Anthony Umali. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *