Humigit kumulang 5,000 elementary at high school students, nakiisa sa 50th Nueva Ecija Boy Scouts Jamboree

Naging masigasig sa pag-iimbita at pagpapakalat ng impormasyon ang Boy Scouts of the Philippines – Nueva Ecija Council sa mga  estudyante dahil sa kanilang pagdiriwang ng golden anniversary kaya naman tumaas ang bilang ng mga dumalo ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Ngayong ay umabot sa humigit kumulang 5,000 estudyante galing sa iba’t ibang paaralan sa buong probinsya ang nakiisa kumpara sa mahigit tatlong libo lang noong 2018.

Ayon kay Scouter Jose Chito Solis, Kab Director ng BSP – Nueva Ecija Council, layunin ng aktibidad nai-improve ang  pagkakaisa, disiplina at tiwala sa sarili ng mga bata pagdating sa mga outdoor activities.

Aniya may mga bagay rin na matutunan sa panlabas na gawain na hindi natututunan sa loob ng eskwelahan at ito ang nais nilang maitimo sa mga boy scouts.

Ilan sa mga activities na gagawin ng mga bata sa loob ng anim na araw na selebrasyon ay hiking, wall climbing, rappelling, cooking, obstacle course at iba pa na sigurado namang ikatutuwa ng mga bata.

Ginanap ang programa sa BSP Compound, Palayan City na nagsimula noong Lunes, November 11 kung saan pinangunahan ni Governor Aurelio Umali ang opisyal na pagbubukas ng programa at tatagal ito hanggang sa Sabado, November 16, 2019.

Sa mensahe ng gobernador, pinaalalahanan nito ang mga kabataan na laging manalangin upang kahit saan sila makarating ay manatili sa kanilang puso’t isipan ang mga magagandang bagay na natutunan nila sa nasabing aktibidad.

Naniniwala din aniya siya na ang mga susunod na henerasyon ng boy scouts ay siyang magiging mga modelo ng mga kabataan para sa magandang kinabukasan. –Ulat ni Jessa Dizon

https://youtu.be/gqv1f6FJ1Bc


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *