HUMIGIT KUMULANG LIMANGDAANG BAKA, NAIPAMAHAGI NA SA IBAT-IBANG BAYAN NG PAMAHALAANG PALALAWIGAN NG NUEVA ECIJA

   Apatnapu’t limang baka ang ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa Bongabon Nueva Ecija noong December 13, 2016

Bayan ng Bongabon at Gabaldon, nakatanggap ng apatnapu’t limang baka na mula sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija.
Bayan ng Bongabon at Gabaldon, nakatanggap ng apatnapu’t limang baka na mula sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija.

   Kabilang sina Ferdinand Mactal, Jose Cabral, Jojo Ira, Nolie Mactal at Jerry Santos sa mga tumanggap.

Isangdaan at limampung baka naman ang ibinigay sa mga taga-gabaldon, mula sa apat na sumusunod na mga barangay.

   Sitio Bateria, Brgy. Bagting, Ligaya, Brgy. Bagong Sikat, at Sawmill.

   Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan na nakatanggap doon, dahil malaking bagay daw ito para sa kanila at sa kanilang kabuhayan.

Mga mamamayan ng Gabaldon at Bongabon, lubos ang pasasalamat sa mga bakang natanggap.
Mga mamamayan ng Gabaldon at Bongabon, lubos ang pasasalamat sa mga bakang natanggap.

   Mahigit kumulang limangdaang baka na ang naipamamahagi sa ibat-ibang bayan ng Nueva Ecija.

   Kinabibilangan ng Pantabangan, Rizal, Llañera, Sta. Rosa at San Leonardo

   Hiling ni Veterenarian Jun Romero sa mga biniyayaan ng mga hayop na pangalagaan nila ito upang sa susunod na taon ay mabigyan ang iba pang mga benepisyaryo. -Ulat ni Myrrh Gueavarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *