HUMIGIT KUMULANG 500 JOB SEEKERS, DUMAGSA SA WALTER MART GAPAN PARA SA JOBS FAIR NA HANDOG NG PROVINCIAL GOVERNMENT

Hindi naging hadlang kay Aling Imelda Briñio ang kaniyang edad na kuwarenta’y singko anyos upang magbakasali sa pag-aapply sa ibang bansa.

Ani Aling Imelda, hindi na bago sa kaniya ang pangingibang bansa bunsod na rin ng mahigpit na pangangailangang pinansyal para sa pag-aaral ng kaniyang apat na anak.

Isa lamang si Aling Imelda sa humigit kumulang 500 job seekers na sumugod sa Jobs Fair 2015 sa Walter Mart Gapan kahapon na hatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna nina Gov. Oyie Umali at 3RD District Congw. Cherry Umali.

Ayon kay Provincial Employment Services Office Chief Michael Calma, ang Jobs Fair ay isa sa mga programang hatid ng Provincial Government kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Nueva Ecija sa darating na September 2.

Umabot sa labingpitong local companies at siyam na international recruitment agencies kasama ang ilang ahensya ng gobyerno ang nakiisa sa naturang jobs fair para magbukas ng mga oportunidad sa mga nagnanais makapagtrabaho mapalokal man o inaternasyunal.

Ani Calma, kung nakaraang May 1 ay umabot sa 25% ang mga aplikanteng natanggap noong araw mismo ng jobs fair aniya, target nila itong mapantayan o mahigitan pa ngayong buwan.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng mga  aplikante sa pamahalaang panlalawigan partikular ang mga fresh graduates dahil sa nasabing jobs fair.

At para sa mga naghahanap ng trabaho, magkakaroon muli ng jobs fair ang PESO sa darating na August 25, 2015 sa NE Pacific Mall. Ulat ni MARY JOY PEREZ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *