Iba’t ibang breed ng aso, ibinida sa Dog Con 2019

Itinampok sa Ikalawang taon ng Dog Con ang dalawampu’t apat na iba’t ibang uri ng aso na isinagawa noong linggo, August 11, 2019.

Kaya naman ang mga mall goers, bata man o matanda ay ikinagalak na makapagpapicture at makisalamuha sa mga aso na hindi kadalasan nakikita sa lansangan.

Kagaya ng rough collie, tibetan mastiff, alaskan malamute, siberian husky, at marami pang iba.

Ayon kay EC Valencia, Vice President ng Cabanatuan Dog Society (CDS), layunin ng aktibidad na mailapit at maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng pag-aalaga ng mga aso.

Ang CDS ay isang non-governmental organization na mula sa limang miyembro ay mayroon na ngayong limampu hanggang pitumpong aktibong miyembro na regular na sumama sa mga aktibidad ng grupo.

Sa kabila ng pagpupursige ng samahan na magbigay ng kamalayan sa mga tao ukol sa tamang pagtrato sa hayop ay ikinalulungkot ng grupo na isa ang Lungsod ng Cabanatuan sa mga nahuhuli na nagkakatay ng mga aso.

Panawagan ng grupo, huwag matakot na ipagbigay alam sa kanila o sa kinauukulan kung sakaling may kakilala na gumagawa ng anumang uri ng pang-aabuso sa mga aso.

Para sa anumang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa kanilang facebook page na Cabanatuan Dog Society.  –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *