Ibat-ibang magic, Ibinida ng 12 na kalahok sa Manuela’s Battle of the Magician 2.0

Ibinida ng labing dalawang magician na kalahok sa Ika-lawang Season ng Manuela’s Battle of the Magician ang kanilang Magic tricks noong Sabado

Neil Partrick Morales, Itinanghal na kampeon sa Season 2 ng Manuela’s Battle of the Magician

Sa pangalawang Season ng Manuela’s Battle of the Magician ngayong taon nagpakita ng iba’t-ibang  magic ang labing dalawang kalahok sa larangan ng mahika noong sabado June 23 na ginanap sa N.E. Pacific Mall.

Ang Elemento Art of Magic Incorporated ay may tatlong chapter mula sa Mandaluyong, Nueva Ecija at Laguna.

Nagpasiklaban sa larangan ng mahika sina Valentino, The silencer, J’son of Magic, The Bigshow, The Lady Magician, Magic Natzky at marami pang iba.

Nagwagi bilang kampeon si Neil Patrick Morales ng Laguna na nakatanggap ng Sampong libong piso at Certificate.

1st runner up si Rosela Rondez na nakapag-uwi ng Walong libong piso at Certificate at Limang libong piso at Cetificate naman ang natanggap ni 2nd runner up John Capitulo Jr.  Ang mga hindi naman pinalad ay nakatanggap ng Consolation prizes na P1,500.

Ayon kay Neil Patrick, itinanghal na winner ngayong taon, araw-araw siyang nag-eensayo bilang paghahanda sa laban na ito at sa magiging laban nito sa korea bilang representante ng ating bansa.

Dalawa na sa miyembro ng Elemento Art of Magic Incorporated ang qualified na lalaban sa Philippine international magic convention, Stage magic competition na gaganapin sa April 24 to 26, 2019 sa SMX Convention Center SMX Aura 3rd level SM Aura Premier, Taguig City

Dagdag nito, madalas siyang sumabak sa ganitong uri ng kompetisyon at naging inspirasyon niya dito ang kanyang pamilya, panginoon, kasintahan, at lahat ng magician dito sa Pilipinas.

Sa panayam naman kay Dashing Lemon, Vice President ng elemento art of magic, layunin ng event na ito na maiangat ang larangan ng pagmamagic hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong pilipinas.

Nagpasalamat naman ito sa lahat ng sumoporta sa kanilang event.

Tumutulong umano sila para maging maunlad ang mahika kaya gumagawa sila ng ganitong uri ng patimpalak para sa mga magician. -Ulat ni Phia Sagat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *