Iba’t ibang swak sa budget na pang-regalo sa Valentine’s Day, alamin

Para sa nakararami importante ang mag-regalo at ilaan ang Valentine’s Day sa kanilang minamahal dahil minsan lang ito sa isang taon.

Pero paano kung sakto lang ang budget at hindi mo afford ang mga mamahaling regalo?

Dito sa lungsod ng Cabanatuan, ay naghahanda na ang mga flower at gift shop sa pagdagsa ng mga mamimili na naghahanap ng regalo na simple, pero abot kaya ng bulsa.

Numero unong patok sa araw ng mga puso ang mga pulang rosas na sumisimbulo sa maalab na pag-ibig.

Sa ngayon ang isang piraso ng rosas ay nagkakahalaga ng P30 at maari pang umabot ng P50 habang papalapit ang February 14.

Bukod sa pula ay may iba’t ibang kulay na maaaring bilhin gaya ng puti at kalimbahin o kulay pink.

Maliban sa mga rosas ay mayroon pang ibang mga klase ng bulaklak na maaaring ibigay sa inyong mga irog tulad ng sunflower na nagkakahalaga ng P150 bawat isa at pwede rin ang mga imported flowers gaya ng carnation na mabibili sa halagang P100/piraso.

Sa mga wala namang kasintahan, regaluhan na lang ng tig-P25 na red heart stuffed toys ang inyong mga magulang, bestfriend at guro.

Pero kung in a relationship ang status mo, pasok na pang-regalo ang iba’t ibang kalse ng stuffed toys na mabibili sa halagang P100 pataas.

May mabibili ring mga tsokolate na nagkakahalaga naman ng P200 hanggang P1000.

Ang Silent Blooms Flower Shop na matatagpuan sa Brgy. Aduas Centro ay tumatanggap din ng mga arrangements na nagkakahalaga ng P200 mula sa pinakasimple at P25,000 naman para sa mga bongga.

Mayroon din silang mga branch sa mga pangunahing malls dito sa Cabanatuan City at sa tapat ng NE Mall sa Brgy. Vijandre.

Simple man o magarbo ang ireregalo sa mga mahal sa buhay ngayong Valentine’s Day, mas importante pa rin na samahan ito ng tapat na pagmamahal galing sa puso. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *