Ibat ibang talento ng kalahok sa Bb. Nueva Ecija, eksena sa SM Megacenter

1Hindi lang sa ganda at talino nakikita o nakikilala ang tatawaging BB. Nueva Ecija kundi sa angking talento na kaya nitong gawin, kaya naman nagpakitang gilas ang mga  kalahok  na nagmula sa ibat-ibang bayan sa ating lalawigan at kanya kanyang eksena at pang akit sa mga hurado ang kanilang ipinakita.

Pasiklaban sa kanilang talent portion ang mga kandidata ng Bb. Nueva Ecija upang maipakita sa lahat ng mga nakasaksi na sila ay isang modernong babae na may maipagmamalaki .

Ibant-ibang klase ng sayaw ang ipinamalas nina candidate numbers  1, 2, 4, 8, 10, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 22, 24, at 25

Hindi rin nagpahuli sina candidate nos. 7 AT 12 sa pag awit.

May kahalong kanta at pagtugtog ng instrument naman ang ipinamalas ni candidate no.9-at 21

Sumunod din sa galing sa pagtula sina candidate numbers 3 AT 23.

Nakasuporta din ang mga kamag anak at kaibigan ng bawat kandidata na nagperform para sa  kanilang talent portion.

Amin naman nakapanayam ang ilan sa mga kandidata .

Bilang make up artist naman ay nagiwan ng mensahe si Edgar  Soriano  sa kanyang alaga sa nasabing kompetisyon.

2Ayon naman kay Doctor Benjie Lopez na dapat ay piliin ang angking galing mayroon ang mga BB upang maipakita ang kanilang talent, ganda talino upang maipakita ang tunay na Novo Ecijana.

Lubos din ang pagsuporta ni dating konsehala ng Cabanatuan Tina  Wycoco Paulino sa patalbugan ng mga kandidata na siyang tumatayo ngayon bilang bagong  Provincial Tourism Officer .

Wika naman ni  Wycoco na maraming nakaabang na activities na gagampanan ang kanilang opisina at ito ay planado na para sa susunod na taon. Ulat ni Bituin Rodriguez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *