Ika-114 taong pagkakatatag, ipinagdiwang ng Nueva Ecija National High School

Ipinagdiwang ng Nueva Ecija National High School ang kanilang  ika-isangdaan at labing apat na taong pagkakatatag na may temang “ NENHS Noon at Ngayon Handa sa Pagbabago sa mga Hamon ng Panahon” .

Napuno ng sayawan at kantahan ang programa ng 114th  Founding Anniversary ng Nueva Ecija National High School  na ginanap sa NENHS Gym na dinaluhan ng mga estudyante mula Grade 7 hanggang Grade 10 ,  faculty at staff.

Nagkaroon rin ng mga booth na itinayo ng  iba’t ibang departamento  ng paaralan katulad ng  Ukay-ganda ng Filipino Department , kakanin ng Values Department at marami pang iba.

Ipinagmalaki ni Dra.  Lulu Diamante Principal ng NENHS Senior High  na  sa mahigit isang siglo ng pagkakatayo sa    Nueva Ecija High School ay nananatili pa rin na matatag   ang paaralan na naging pangalawang pamilya na ng mga estudyanteng nag aaral dito.

Isinalaysay din sa mga panauhin ng programa ang kasaysayan ng Nueva Ecija National High School na Itinayo  noong 1905   sa Bayan ng  San Isidro na unang pinangalanang Wright Institue  at inilipat sa Cabanatuan City noong 1927 ng gawin itong kabisera ng lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa talumpati ni  Dra. Diamante hiniling nito na  nawa’y   manatili ang NENHS at  mga estudyante  na matibay   sa hamon ng pagbabago ng panahon sa iba’t ibang  aspeto ng buhay. –  Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *