Ika-154 kaarawan ni Dr. Jose Rizal, ginunita

Nag-alay ng mga bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Talavera at kapatirang Mason bilang pag-alala sa Ika-154 na kaarawan ng pambansang bayani.

Pinangunahan nila Mayora Nerivi Santos-Martinez at lubhang marangal na kapatid Jose Ravinar Austria ng Mason ang Wreath Laying Ceremony sa harap ng Munisipyo ng Bayan.

Binigyang pugay ni Mayor Martinez sa kanyang talumpati ang sakripisyo at kabayanihang ginawa ni Gat Jose Rizal.

Aniya, dapat isabuhay at pahalagahan ng bawat pilipino ang pananaw ni Rizal na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.

Naging parte din ng selebrasyon ang paglahad ng maikling talambuhay ni Dr. Jose Rizal bilang isang miyembro ng kapatirang Mason. Kung saan, kaalinsabay niya dito ang iba pang mga Bayani ng Pilipinas katulad nila Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo Del Pilar at marami pang iba.

Samantala, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1039 idineklara ng Malacañang ang June 19, bilang Special Non-working Holiday sa Laguna kung saan ipinanganak si Rizal.

Nagsagawa ng ilang aktibidad, kabilang na ang Buhay-ani Grand Parade-Symbolic Float Competition, Rizal’s look-a-like at Biggest delegation ng Rizal Costume.

Nagkaroon din ng Wreath Laying Ceremony sa bantayog ni Rizal sa Luneta Park, na pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Inihayag ni Estrada na maituturing na regalo ng Supreme Court sa kaarawan ni Rizal ang pagpapasuspinde nito sa pagtatayo ng Torre De Manila, na tinaguriang “Photo Bomber” ng monumento ng Bayani.

Inireklamo ang Torre De Manila na umano’y lumabag sa Republic Act No. 4846 o Cultural Properties Preservation and Protection Act at Republic Act No. 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009. –ULAT NI DANIRA GABRIEL

[youtube=http://youtu.be/qje6aKQrxnQ]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *