Ika-20 Potable Water System sa San Jose City, napakikinabangan na

Hirap sa maayos at malinis na tubig ang mga residente ng Sitio Naglaoag sa Brgy. Sto. Niño 3rd, San Jose City.

Kaya naman lubos ang kanilang kasiyahan ng pormal ng pinasinayaan ang Potable Water System o POWAS ng lokal na pamahalaan ng San Jose City sa kanilang lugar noong january 21, 2019.

Ito ang pang-dalawampung POWAS na binuksan mula ng simulan ang proyekto noong nakaraang taon sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Kokoy Salvador.

Nagsisilbing malaking kapakinabangan sa mga benepisyaryo ang naturang proyekto dahil hindi na sila nangangamba na makainom ng maruming tubig.

Ang POWAS ay nakalinyang magbukas din sa iba pang mga barangay hanggang dumaloy ito sa buong Lungsod ng San Jose.

Bukod sa POWAS, handog din ng City Government ang K-Outreach Program na naghahatid ng libreng serbisyo sa mga mamamayan.

Kamakailan lamang ay pinuntahan nito ang Brgy Sto Niño 1st kasabay ng pagdiriwang ng kanilang kapistahan.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob nito ay ang libreng konsultasyon sa medikal at dental, payong legal, pamimigay ng mga salamin sa mata, bigas, groceries at seedlings, pagbibigay ng mga gamot, bitamina, contraceptives, at marami pang iba.

Matapos ang programa ay isang masayang tanghalian ang pinagsaluhan ng lahat. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *