Ikaapat na Zumba dance party, idinaos

Sabay sabay na umindak sa masasayang tugtugin ang mga participants mula sa Rizal, San Leonardo, Aliaga, Peñaranda at iba’t ibang Barangay dito sa Cabanatuan.

Bata man o matanda ay enjoy na enjoy sa pagsayaw, maging ang mga kalalakihan ay hindi rin nagpahuli sa pag-zuzumba.

Sa mensahe ni Maricel Nagaño Healthy life style Coordinator ng Provincial Health Office, nag papasalamat  sila kay Governor Czarina D. Umali dahil  sa pagsuporta nito sa kanilang Zumba dance party.

Gayundin, nagpasalamat si  Nagaño sa kanilang Guest Zumba Instractor ni sina Joshua Zamora at Jason Zamora.

Layunin ng Zumba dance party na ito na mapabuti ang pangangatawan ng bawat isa at maging physically fit.

Inaanyayahan naman ni Maricel Nagaño ang lahat na mag-joined sa kanilang libreng Zumba Session, tuwing Lunes at Miyerkules 6:00 ng gabi sa SM Cabanatuan City at sa SM Mega Center tuwing Sabado 10:30 naman ng umaga.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *