Ilang Kompanya at Ahensya na nakiisa sa Trabahong Umali Jobs Fair, nagbigay ng tips para matanggap sa trabaho

   Talk, act and dress like a professional, ito ang tatlong bagay na dapat tandaan sa pag-aapply ng trabaho, ayon kay HR Supervisor Kelvin Yola ng Wheeltek Motor Sales Corporation.

   Ayon sa kanya, dapat isaalang-alang ng mga aplikante ang paghahanda sa araw ng job interview para madaling matanggap sa trabaho.

   Sinabi naman ni Geneviva Suva, HR Assistant ng Savemore Market, na malaking bagay ang pagiging totoo sa sarili at tapat sa pagsagot ng mga aplikante sa mga tanong ng interviewer.

Dinagsa ng mga job seekers ang ika-apat na Jobs Fair ng Pamahalaang Panlalawigan para ngayong 2016.
Dinagsa ng mga job seekers ang ika-apat na Jobs Fair ng Pamahalaang Panlalawigan para ngayong 2016.

   Halos ganito rin ang tips ni Camilo Tabañera, HR Staff ng Romac Services, Pampanga, aniya mahalagang maging confident sa pagsagot sa mga tanong ang mga aplikante dahil dito pa lamang ay maaari ng maassess ang kanilang mga abilidad sa pagtatrabaho.

   Para naman sa mga nag-aapply ng trabaho abroad, ayon kay Tita Hernandez, Senior Labor Officer ng POEA o Philippine Overseas Employment Administration, dapat ay nasa edad 21 ang aplikante, may sapat na karanasan sa pagtatrabaho at buo ang loob na mangibang bansa.

Umabot sa apat hanggang limang libong job vacancies ang inalok ng 20 Local Companies at 10 Overseas Agencies sa mahigit 500 aplikante sa Trabahong Umali Jobs Fair.
Umabot sa apat hanggang limang libong job vacancies ang inalok ng 20 Local Companies at 10 Overseas Agencies sa mahigit 500 aplikante sa Trabahong Umali Jobs Fair.

   Dagdag ni Hernandez aabot sa dalawang daan hanggang limang daan ang mga job vacancies sa ibang bansa, kung saan in demand ang service crew.

   Samantala, umabot sa mahigit limang daang job seekers ang dumagsa sa Trabahong Umali Jobs Fair ng Pamahalaang Panlalawigan bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-83rd Anniversary ng DOLE, sa pakikipagtulungan ng POEA, SSS o Social Security System, PhilHealth, dalawampung local companies at sampung overseas agencies. –Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *