Ilang mag-aaral ng NEUST , pabor sa bagong akademikong kalendaryo

Inilipat na sa buwan ng Agosto ang pag-sisimula ng klase sa ilang unibersidad ng lalawigan tulad ng Nueva Ecija University of Science and Technology.

Pabor ang ilang estudyante ng Nueva Ecija University of Science and Technology na nakapanayam ng Tv48 sa bagong akademikong kalendaryo ng  nasabing unibersidad.

Tulad nalang ni Douny Ramirez na isa ng mommy, Ayon sa kanya, magkaroon siya ng panahon sa kanyang anak lalo pa’t papasok na ito sa Hunyo at magkaroon din ng mahabang bakasyon ang mga kapwa niya estudyante.

Paliwanag ni Neust Vice President  for Academic Affairs na si Rhodora Hugo, matagal na umano nilang plano na baguhin ang petsa ng pasukan mula hunyo sa agosto para makasabay ang Neust sa mga pangunahing unibersidad sa Asia at sa ibang pang bahagi ng mundo na nagpapahiwatig ng pagiging handa ng kanilang paaralan.

Dagdag pa nito, bago naisakatuparan ang pagbabago ng petsa ng buwan nagsagawa sila ng mga konsultasyon para malaman kung pabor ba o makatutulong ang pagbabago para sa unibersidad.

Dagdag pa ni Hugo, dahil pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Nueva Ecija. Malaking tulong umano ang pagbabago para sa mga magulang na agosto na ang pasukan ng kanilang mga anak dahil makakatulong pa sila sa paghahanap buhay ng kanilang pamilya.

Kung Agosto ang pagbubukas ng klase, ang pagtatapos para sa unang semestre ay Enero.

Ang Enrollment ng Neust ay mag-uumpisa sa May 28 habang magsisimula naman sa Ika-anim ng Agosto ang kanilang klase. Hunyo naman ang ikalawang semestre.

Samantala, July naman ang simula ng klase ng kolehiyo sa College for Research and Technology habang June naman ang sa Senior High School.

Ayon kay Mikee Mobo, Admin Officer ng Crt, sumunod pa rin sila sa polisiya ng Commission on Higher Education. –Ulat ni Phia Sagat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *