Ilang Novo Ecijano, doble ang dalamhati sa paggunita ng Undas

Isang masayang pagkikita ng magkakamag-anak ang pagdiriwang ng Undas sa Pilipinas.
Isang masayang pagkikita ng magkakamag-anak ang pagdiriwang ng Undas sa Pilipinas.

Karaniwang isang masayang reunion ng magkakamag-anak ang pagdiriwang ng Undas dito sa Pilipinas.

Inilalaan nating mga Pilipino ang “Araw ng mga Patay” sa pagdalaw sa mga yumaong mahal sa buhay upang mag-alay ng dasal, bulaklak, at kandila.

Dahil mahalagang kapistahan ang November 1, bago pa man ang petsang ito ay nililinis at pinipintahan na ang mga puntod sa sementeryo.

Nalubog sa baha at putikdulot ng bagyong Lando ang sementeryo ng Bagting, Gabaldon.
Nalubog sa baha at putikdulot ng bagyong Lando ang sementeryo ng Bagting, Gabaldon.

Ngunit ngayong taon, imbes na maligaya ang selebrasyon ng Undas, para sa ibang mga Novo Ecijano, mas naging malungkot ito.

Nagdadalamhati ang pamilya Desamito sa barangay Siclong, bayan ng Laur dahil sa pag-alala sa namayapang mahal sa buhay na nadagdagan pa ng lupit na dinanas sa bagyong Lando.

Natabunan ng putik at bato ang bukirin ng mga Desamito na pangunahing pinagkukunan ng hanap-buhay ng pamilya.

Naanod naman ng baha ang mga bangkay ng mga kamag-anak ni aling Jeng-Jeng mula sa puntod nito sa nalubog na sementeryo sa barangay Bagting, bayan ng Gabaldon.

Kung noong nakaraang taon ay masayang nagsalu-salo sa tanghalian at nag-alay ng sariwang bulaklak ang pamilya Cabuhat sa mga yumaong magulang at  kamag-anak, ngayong taon, katulad ng ibang Novo Ecijano ay nagkasya na lamang sa pagtitirik ng kandila at pagdarasal dahil karamihan ay nasalanta ng bagyo ang kabuhayan.- ulat ni Clariza de Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *