Ilang suliranin ng mga mamamayan sa Bayan ng Nampicuan, nasolusyunan ng Pamahalaang Panlalawigan

Nampicuan High School, Nampicuan, Nueva Ecija
Nampicuan High School, Nampicuan, Nueva Ecija

Hirap makapasok noon ang mga estudyante sa Bayan ng Nampicuan dahil sa malayong paaralan, ngunit ng maipatayo ang Nampicuan High School ay naging madali na lamang para sa kanila ang pumasok sa eskwelahan dahil napalapit ito sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa kanilang Faculty President na si Reynaldo Samson, tumaas ang bilang ng kanilang mga estudyante na umabot na ngayon sa 430 dahil sa mga bagong pasilidad ng kanilang eskwelahan.

Ang Grade 10 student na si Eduardo Manzano ay nanggaling pa sa Bayan ng Cuyapo, ngunit lumipat ito sa Nampicuan High School dahil sa mas maayos aniyang mga classrooms na nagmula kay Governor Oyie.

School Gym of Nampicuan Central School, Nampicuan, Nueva Ecija
School Gym of Nampicuan Central School, Nampicuan, Nueva Ecija

Hindi naman naging hadlang ang panahon ng tag-ulan para sa mga mag-aaral ng Nampicuan, Cuyapo I at II upang matuloy ang kanilang Triangular Athletic Meet na ginanap sa Nampicuan Central School dahil sa gym na ipinagkaloob sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kung dati ay nakikihiram lamang sila ng gym na pagdadausan ng kanilang mga aktibidad sa eskwelahan ngayon ay buong pagmamalaki na nilang ginaganap ang mga ito sa sarili nilang bakuran.

Barangay Gym of Barangay Recuerdo, Nampicuan, Nueva Ecija
Barangay Gym of Barangay Recuerdo, Nampicuan, Nueva Ecija

Ganito rin ang kalagayan sa Barangay Recuerdo kung saan naabutan namin ang mga kabataang manlalaro, ayon sa kanila hindi na naaantala ang kanilang pag-eensayo bilang paghahanda sa kanilang aktibidad sa paaralan dahil may gym na silang nagagamit, umulan man o umaraw.

Muti-purpose Hall Barangay Hall of Barangay Estacion, Nampicuan, Nueva Ecija
Muti-purpose Hall/ Barangay Hall of Barangay Estacion, Nampicuan, Nueva Ecija

Nagsilbing silid-aralan naman ng mga estudyante ng Day Care sa barangay Estacion ang multi-purpose hall na naipatayo sa kanilang lugar, at naging venue rin ng mga pagpupulong ng mga kasapi ng 4P’s at mga opisyal ng barangay.

Labis ang naging pasasalamat ng mga mamamayan ng Bayan ng Nampicuan dahil nabigyang katugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan na pinakikinabangan na ngayon ng mas nakararami.- Ulat ni Shane Tolentino

https://www.youtube.com/edit?o=U&video_id=M–_dRBdwwY

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *