Sangguniang panlalawigan, nag re-align ng pondo para tugunan ang krisis sa COVID-19

Ililipat ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Nueva Ecija ang nakalaang pondo mula sa ilang mga programa at proyekto ngayong taon papunta sa mga programa na may kinalaman sa COVID-19.

Inaprubahan ito sa unang pagbasa ng SP sa pangunguna ni Vice Gov. Anthony Umali sa virtual meeting ng ika-15 Regular Session na ginanap noong April 15, 2020.

Ang kahilingan ay nagmula kay Gov. Aurelio Umali na ipagpaliban muna ang ilang mga nakatakdang proyekto upang tuloy-tuloy na masuportahan at matugunan ang pangangailangan ng lalawigan sa krisis na pinagdadaanan sa kalusugan kagaya na lamang ng pamamahagi ng medical supplies sa mga ospital, pagbibigay ng bigas, food packs sa bawat tahanan, pag-agapay sa mga frontliners, PUI, pamamahala ng mga quarantine facilities at marami pang iba.

Ayon sa Gobernador, prayoridad ngayon ng pamahalaang panlalawigan na mailigtas, maproteksiyunan o tuluyang mapuksa ang virus sa probinsiya. Gayundin na maaalalayan na hindi magutom ang bawat mamamayang Novo Ecijano.

Kabilang sa mga programa at proyekto na pansamantalang maantala ay ang mga sumusunod.

• P30 milyon – Aid to Component LGUs.

• P106 milyon – Rehabilitation/Upgrading /Construction/New Road Opening along Cabiao, Nueva Ecija to Concepcion Tarlac with 38 L.M. RCDC
Bridge, Purchase of various Medical/Hospital Equipment for District Hospitals and NE Drug Treatment and Rehabilitation Center, Purchase of Ambulance for District Hospitals, and Construction/Rehabilitation/Improvement of District Hospital
Facilities & Premises.

Nauna nang ipinasa ng SP sa unang pagbasa noong ika-14 na karaniwang pagpupulong noong April 7 na ma re-align ang P145 milyon na pondo para sa pagpapagawa ng Asphalt Batching Plant, Repair and Maintenance of Roads and Bridges, Representation Expense, Compensation Adjustmemt Fund and Aid to Component LGUs na ililipat sa Quick Response Fund (QRF) upang magamit rin sa COVID-19. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *