ILLEGAL RECRUITER UMANO NI MJ NA SINA CRISTINA SERGIO AT JULIUS LACANILAO, INILIPAT NA SA KOSTUDIYA NG PROVINCIAL JAIL NG N.E

Inilipat na sa kostudiya Ng Provincial Jail ng Nueva Ecija si Cristina Sergio, ang umanoy illegal recruiter ng OFW na si Mary Jane Veloso, at ang live in partner nitong si Julius Lacanilao, noong Lunes ng gabi sa bisa ng Order of Commitment na iniissue ng Regional Trial Court Branch 37 ng Baloc, Nueva Ecija.

Nasa pangangalaga ngayon ng Nueva Ecija Provincial Jail ang itinuturong recruiter umano ni Mary Jane Veloso na si Ma. Cristina Sergio at live in partner nito na si Julius Lacanilao.

Inilipat sina Sergio at Lacanilao sa Panlalawigang Piitan mula sa National Bureau of Investigation Detention Cell sa Taft Avenue, Manila makaraang maglabas ng Order of Commitment ang Regional Trial Court Branch 37 ng Baloc Sto. Domingo.

Base sa isang pahinang order ni Judge Nelson Tribiana na may petsang May 25, 2015, mananatili ang dalawang akusado sa nasabing kulungan habang nililitis ang kasong Large Scale Illegal Recruitment na isinampa ng mga private complainant na sina Lorna Valino, Ana Marie Gonzalez, at Jenalyn Paraiso.

Nakasaad naman sa Information ng nasabing kaso, na noong taong 2010 hanggang 2014 nangako ang magkarelasyon katulong ang dalawang hindi pa nakikilalang kasabwat, sa kanilang mga nabiktima na bibigyan sila ng trabaho sa ibang bansa.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *