Impeller brown rice mill, opisyal nang inilunsad ng PHilMech

Itinuturing na regalo para sa mga magsasakang pilipino ang pinakabagong teknolohiya ng PHILMECH o Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization na tinatawag na Compact Impeller Brown Rice Mill.

Nitong nakaraang Lunes lamang ay pormal na itong inilunsad ng ahensya, kasabay ng pagpirma sa license of agreement ng dalawang manufacturers na kinabibilangan ng MachineSystems Corporation at ACT Machineries.

Ang nasabing makinarya ay  ang pinakabagong uri ng rice mill na gumagamit ng “impeller” sa halip na “rubber roll” sa pagbabalat ng palay na naaangkop sa mga village level operations.

Kabilang ang Impeller Brown Rice Mill sa mga makinaryang ipinakita ng PHILMECH sa binuksang Machinery and Product Exhibit na bahagi ng pagdiriwang ng ika-apatnapung taong anibersaryo ng ahensya na may temang “In High Gear to Transform the Future of Philippine Agriculture”.

 

OPISYAL NANG INILUNSAD NG PHILMEC O PHILIPPINE CENTER FOR POSTHARVEST DEVELOPMENT AND MECHANIZATION ANG KANILANG PINAKABAGONG MAKINARYA NA TINATAWAG NA IMPELLER BROWN RICE MILL.

Ayon kay Dr. Baldwin G. Jallorina, Director IV ng PHILMECH, ang kanilang agricultural machines ay naglalayong mabawasan ang production cost at postharvest losses.

Nakatutok rin daw sila hindi lamang sa teknolohiya sa palay, kundi maging sa processing technologies ng kape, soybean, moringa, pectin, village level coconut, cacao, kasoy, mais, sibuyas, cassava at iba pa.

Pormal na ring inilunsad ng ahensya ang kanilang coffee-table-book at bagong website na may address na www.philmech.gov.ph.

Tinanggap na rin ng PHILMECH ang tatlong prestihiyosong IMS o Integrated Management System certification mula sa Russian Register na kinabibilangan ng ISO 9001:2015 o ang Quality Management awareness certificate, ISO14001:2015 o ang Environmental Management System certificate at OHSAS 18001-002007 o ang Occupational Health And Safety Management certificate.

Samantala, hindi man nakarating ang guest speaker na si Department Of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ay dumalo naman si DA Region Iii Director Roy Abaya bilang kanyang representante na siyang bumasa ng kanyang mensahe. – ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *