IMPLEMENTASYON NG NO SMOKING POLICY, MAIGTING NA KINAKAMPANYA NG DOH LALO NA SA MGA GOVERNMENT PREMISES

Maigting na kinakampanya ngayon ng doh o department of health, katuwang ang pamahalaang panlalawigan, ang implementasyon ng no smoking policy o total smoking ban sa lahat ng government premises ayon kay doc. Benjie lopez, head ng nueva ecija provincial health office.

Ginugunita tuwing buwan ng Hunyo ang No Smoking Month kung saan nagsasagawa ang DOH katuwang ang Nueva Ecija Provincial Health Office ng information dissemination bilang pagpapalawak ng kampanya laban sa banta sa kalusugan ng paggamit ng tabako.

Ayon kay Doc. Lopez, pinatutupad na ang total smoking ban sa lahat ng mga Government and Public Schools sa Lalawigan at iba pang mga pampublikong lugar, kinukumbinsi din nila ang lahat ng mga government offices partikular na ang mga pam-publikong pagamutan, upang iimplementa ang naturang polisiya.

Nagsimulang ipatupad ng mga paaralan ang No Smoking Policy nang bumaba ang DEpEd o Department of Education Order number 73 series of 2012 partikular na sa PGCES o Padre Gregorio Crisostomo Elementary School at NEHS o Nueva Ecija High School.

Ayon kay NEHS Head Teacher IV William Custodio, close monitoring ang kanilang naging pamamaraan sa kanilang paaralan, na nagpababa sa 90% ng mga naninigarilyo sa kanilang school premises simula ng maimplementa ang polisiya.

Ang Republic Act 9211 ay batas na naglalayong maprotektahan ang mga mamamayan mula sa peligro sa kalusugan sanhi ng sigarilyo o paninigarilyo.-Ulat ni Shane Tolentino

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *