Inagurasyon ng bagong San Isidro PNP Building, dinaluhan ni Former Governor Aurelio Umali

     Ito ang naging papuri at pahayag ni Former Governor Aurelio Matias Umali sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng bagong PNP Building sa Bayan ng San Isidro, na ipinagawa ng Philippine National Police.

     Bilang kinatawan ni Governor Cherry Umali ay inanunsyo ni Dating Gobernador Oyie ang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan na mapasemento ang bakuran o harapan ng bagong PNP Building ng naturang bayan.

Former Governor Aurelio Matias Umali sa kanyang pagdalo bilang kinatawan ni Governor Czarina “Cherry” Umali, sa inagurasyon ng bagong San Isidro PNP Building, kasama sina Mayor Cesario Lopez at Police Senior Superintendent Edgar DM Cacayan, Chief of Regional Logistics and Research Development Division.
Former Governor Aurelio Matias Umali sa kanyang pagdalo bilang kinatawan ni Governor Czarina “Cherry” Umali, sa inagurasyon ng bagong San Isidro PNP Building, kasama sina Mayor Cesario Lopez at Police Senior Superintendent Edgar DM Cacayan, Chief of Regional Logistics and Research Development Division.

     Ngunit, paalala ng dating Gobernador sa kapulisan na huwag dalhin sa sariling mga kamay ang paghahatol sa mga sangkot sa illegal na droga dahil marapat na kilalanin at igalang pa rin ang umiiral na batas sa bansa.

     Ayon kay Police Senior Inspector Steven O. Dela Cruz, Acting Chief of Police ng San Isidro Police Station, matagal na silang nagtitiis sa maliit at masikip na opisina kaya naman sa pamamagitan aniya ng bagong gusali na ipinagkaloob sa kapulisan ng San Isidro ay makapagbibigay na sila ng mas maayos na serbisyo sa taong bayan.

     Oras na maibigay na ng Pamahalaang Bayan ng San Isidro ang kanilang counterpart na isang milyong piso para sa pambili ng mga kagamitan ng bagong gusali ay agad na rin umano nila itong lilipatan.

     Samantala, matapos na magbigay ng kanyang mensahe ang dating Gobernador sa inagurasyon ng bagong gusali, ay agad itong nagtungo sa Bayan ng Cabiao upang pangunahan naman ang Ground Breaking Ceremony ng pagtatayuan ng bagong Hospital sa Barangay Sta. Inez, ng naturang bayan.

Pinangunahan ni Former Governor Aurelio Umali ang Ground Breaking Ceremony ng pagtatayuan ng bagong Hospital sa Bayan ng Cabiao, kasama ang si Mayor Ramil Rivera at buong Sangguniang Bayan.
Pinangunahan ni Former Governor Aurelio Umali ang Ground Breaking Ceremony ng pagtatayuan ng bagong Hospital sa Bayan ng Cabiao, kasama ang si Mayor Ramil Rivera at buong Sangguniang Bayan.

     Ayon kay Mayor Ramil Rivera ng Bayan ng Cabiao, isa sa kanyang ipinangako noong kampanyahan ang pagpapatayo ng bagong Hospital sa kanilang lugar na kanya ng pasisimulan sa unang lingo ng kanyang ikalawang buwan na pag-upo bilang Punong Bayan.

     Aabot umano sa apat napung milyong piso ang pondong ilalaan sa ipatatayong pagamutan na magmumula sa donasyon ng pamilya ni Mayor Rivera, na papangalanang Ramon S. Ang Community Hospital.

     Ang dati kasing pagamutan sa nasabing barangay ay nasunog, sampung taon na ang nakalilipas at magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasaayos kaya hindi ito nagagamit.

     Batid umano ng Alkalde ang hirap ng bawat pamilyang walang pampagamot sa ospital, kaya naman bilang pasasalamat sa kanyang narating sa kasalukuyan ay nais umano nitong ibalik ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagpapatayo ng ospital na magbibigay ng libreng serbisyo para sa kanyang mga nasasakupan.

    Inaasahang mayorya sa halos isang daang libong mamamayan ng Bayan ng Cabiao ang makikinabang sa ipatatayong ospital. -Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *