Insedente ng sunog sa Nueva Ecija sa dalawang unang buwan ng 2019, bumaba!

Inihayag ng Bureu of Fire Protection, Nueva Ecija Provincial Office na bumaba ang kaso ng sunog sa lalawigan sa pagpasok ng buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month.

Ayon kay Fire Superintendent Roberto C. Miranda, Provincial Fire Marshal, nasa labing walo na ang naitalang kaso ng sunog sa Nueva Ecija mula Enero hangang ngayong Marso 6 kumpara sa 28 kaso ng fire incident noong 2018.

Base sa Fire Incident Comparative Report ng BFP, pumalo sa  11 ang naitalang kaso ngayong taon sa sunog sa Residential o mga kabahayan mula Enero hanggang Pebrero mas mababa kumpara sa 20 noong 2018. 3 naman ang naitala sa Vehicular fire incident noong 2018 at 2 rin ngayong taon. 2 naman sa storage kumpara sa 3 noong nakaraang taon. Isa sa Mercantile o tindahan at Industrial o pangkabuhayan noong 2018. Tig isa rin ang Mixed at Miscelaneous ngayong 2019.

Paliwanag ni Miranda, karaniwang sanhi ng sunog ay ang electrical short circuit, napabayaan na pagluluto,upos ng sigarilyo at  naiwang kandila na malapit sa mga bagay na madaling magliyab.

Nagbigay naman ng ilang tips para makaiwas sa sunog si  Miranda, katulad ng pagpapasuri ng mga linya ng kuryente, pagtiyak na  walang tagas ang hose ng liqufied petroleum gas (LPG), mahalaga rin aniya na may mga safety device ang bawat kabahayan kagaya ng fire extinguisher.

Hinikayat din ni Miranda na sundin ang payo at makiisa ang mamayan sa bawat programa ng Bureu of Fire Protection.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *