Ipinagmamalaking tourist destinations ng 7 probinsya , tampok sa Central Luzon Expo

Naging tampok sa kauna-unahang Central Luzon Expo ang  ipinagmamalaking  tourist destinations at mga produkto ng pitong probinsya na dinaluhan ng mga representante ng  Department of Tourism, Department of Trade and Industry at mga punong lalawigan na ginanap sa Pampanga.

Layon ng dalawang araw na programa na ito na mapalaganap ang turismo at mapapasok ang mga investors sa bawat lalawigan sa pamamagitan ng pagpapakita ng produkto at pasilidad sa mga potential investors.

Sa unang araw ng Expo ay pinasinayaan ito ni House Speaker Congressman  Alan Peter Cayetano na guest of honor at speaker para sa unang araw ng Expo.

Nagkaroon ng mga booth ang bawat probinsya na nagpapakita ng iba’t ibang konsepto at ipinagmamalaking  produkto at  pagkain ng bawat lalawigan at 63 small medium enterprises mula sa Central Luzon.

Naghain ang Vicentico’s ng longganisa fried rice at gatas ng kalabaw
leche flan sa Day 1 ng Expo.

Bilang Rice Granary of the Philippines naghain ang Vicenticos na representante ng Nueva Ecija ng Longganisa fried rice na highlight  ang longganisa ng Cabanatuan at gatas ng kalabaw lecheflan.

Sa presentasyon ni Provincial Tourism Officer Atty. Jose San Pedro ipinagmalaki nito  ang Pantabangan Dam hindi lang bilang  isa sa pinaka malaking  Dam sa Asya kundi   isa sa kilalang  tourist destination  sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ipinakita rin ni Atty. San Pedro  ang  iba pang mga pasilidad at produkto ng lalawigan  katulad ng calamansi, repolyo, karne ng kambing, sibuyas at ang Malasakit Rice ng provincial government  mula sa ani ng  mga magsasakang Novo Ecijano  upang  mahikayat ang mga investors na mamuhunan sa Nueva Ecija.

Bukod pa dito ay nagkaroon rin ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan: Jobs and Business Opportunities na pinamahalaan ng Department of Labor and Employment Region 3  na nilahukan ng 50 kumpanya at 12 ahensya upang mabigyan ng trabaho ang mga job seekers na mula sa Central Luzon.

Sa talumpati ni Tarlac Governor Susan Yap inihayag nito na dalawang taong  binuo ang konsepto ng Central Luzon Expo upang makatulong sa bawat lalawigang mahanap ang mga investor na naaayon sa kanilang mga produkto at pasilidad. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *