Isang lalaking nakasakay sa motorsiklo, binaril sa ulo; At bangkay ng kelot na sinasabing holdaper, natagpuan

   Bulagta ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Narra St. Purok 1 ng barangay Crisostomo, Cabanatuan.

   Puro sa ulo ang tama ng isang lalaking pinagbabaril habang nakasakay sa motorsiklo sa Crisostomo, Cabanatuan City
Puro sa ulo ang tama ng isang lalaking pinagbabaril habang nakasakay sa motorsiklo sa Crisostomo, Cabanatuan City

   Nagtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang hindi pa nakikilala hanggang sa isinusulat ang balitang ito na tumumba habang nakasakay sa isang kulay black na Honda motorcycle na walang plate number.

   Samantala ang mga suspek ay iniulat na lulan ng isang kulay itim na kotse. Narekober ng SOCO sa crime scene ang pitong basyo ng .45, at apat pang bala mula sa dalawang hindi pa natutukoy na baril.

   Sa Cabanatuan pa rin, natagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada ang bangkay ng isang lalaki sa Purok 7 ng Valino St., barangay Aduas Centro.

   Ayon kay Jessie Manansala, 45-anyos,

Isang cardboard na nagsasabing isang holdaper ang bangkay ng isang lalaking natagpuan sa gilid ng kalsada sa Valino St. Aduas Centro.
Isang cardboard na nagsasabing isang holdaper ang bangkay ng isang lalaking natagpuan sa gilid ng kalsada sa Valino St. Aduas Centro.

miyembro ng BPAT, 6:00 ng umaga nang matuklasan niya ang patay na lalaki.

   Nakagapos ng puting tali ang mga kamay at paa ng biktima, nakabalot ng itim na packaging tape ang ulo, at may nakasiksik na karton sa katawan nito na may nakasulat na “Holdaper ako! Mga kasama susunod na kayo”.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *