Isang overseas Filipino worker sa korat, Thailand na tubong Tabuk City, Nakaranas ng trauma

Nakakaranas umano ng trauma ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Korat, Thailand na tubong Tabuk City, Kalinga pagkatapos itong ma-trap sa isang mall na sinugod ng isang nagwawalang sundalo.

Bumili lang umano ito ng mga pasalubong para sa kaibigan niyang uuwi dito sa Pilipinas sa basement ng mall at pagkatapos nito ay tumaas sila nang may nakita silang nagkakagulo sa labas.

Sumunod nito ay may narinig na silang putok ng baril.

Itinago raw sila ng isang staff ng mall sa stock room ng gusali.

International: https://www.bomboradyo.com/pinay-na-trauma-10-hrs-nagtago-sa-stockroom-ng-mall-sa-pag-amok-ng-thai-soldier-29-patay-57-sugatan/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *