Jessa Mae De Vera,wagi sa Miss San Jose City 2018!

Labing walong kandidata ang naglaban laban sa taunang patimpalak sa bayan ng San Jose. Ang Miss San Jose City 2018.

Pasok kaagad  sa Top 3 sina candidate # 13, #9 at # 7. Itinanghal na 2nd runner up ang 23 yr old na half Filipino and half African na si Sarah Gabriel. First runner up naman si # 13Jihan Medenilla , 17yrs old, Accountancy student at kasalukuyang nag aaral sa Lyceum of Alabang.

At naiuwi naman ng 19 year old na dilag na si  Jessa Mae De Vera ang korona bilang Miss San Jose 2018.

Samantala bago pa itinanghal ang tatlong kandidata na pasok sa Top 3 ay  una ng nasungkit   ni 2nd runner up  ang Beautiful Hair Award at itinanghal pa na Best in Swim suit or swimwear.

Nakuha din ni first runner up ang  special award  bilang Miss Luxxe White Beautiful Skin and Miss  Maricar Salon Choice Award.

At naiuwi naman ni candidate # 7 ang  bilang Miss Skin Light , Ms. Whizzler Photogenic Award bukod pa ang Best in evening gown at  ang malaking puntos sa final round na Question and answer Portion.

Kaugnay nito, ginawaran din ng mga special awards sina Candidate # 11 bilang Miss Alesso Body Physique, candidate # 6 bilang Teen Elite Camela People Choice Award.

Ang mga kandidatang kalahok  na pasok sa Top 10 ay sina: Candidate # 1 Danica Quicho, Candidate # 4 Jean Michelle Dela Cruz, candidate # 5 Bryllie Martin, candidate # 8 Rosele Bernardino, candidate # 11 Lea Jane Ariem, candidate # 12 Jean Cardinoza, candidate # 18 Jane Ganayo at ang tatlong kandidata na sina 2nd runner up candidate 9 , first runner up candidate # 13 at ang candidate # 7,  Miss San Jose City 2018.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *