Justin Renzo Avenilla at Jannyl Muyot, tinanghal na Mr. and Ms. AMA 2015

     Mula sa labing anim na naggagandahan at naggwagwapuhang kanidata’t kandidato ng Mr. and Ms. AMA 2015, namayagpag sina Justin Renzo Avenilla at Jannyl Muyot na nag-uwi ng titulo.

       Naiuwi din ni Muyot ang Best in Casual Wear, Best in Swimwear at tinanghal din bilang Ms. Photogenic.

     Tinanghal namang 1st runner up sina Xanty Maningas at Mira Chin Lanuza, at second runner up sina Rasheed Lopez at Nataly Joy Venturina.

     Nagpagalingan din ang mga kandidata’t kandidato sa talent competition kung saan nangibabaw ang galing nina Rasheed Lopez at Mira Chin Lanuza na nakasungkit ng Best in Talent, nakuha din ni Lanuza ang Ms. Heartnet at Ms. Congeniality.

      Lalo namang lumitaw ang kagandahan at kakisigan ng mga kalahok nang sila ay rumampa suot ang kanilang Long Gown at Formal Attire, kung saan naiuwi kapwa nina Nataly Joy Venturina at Roy Jhon Perez ang Best in Long Gown award at Best in Formal Wear award.

      Nagpatagisan din ng talino ang mga kalahok na pasok sa top 5 sa pagsagot sa question and answer portion.

      Hindi man pinalad na makakuha ng titulo si Roy Jhon Perez, na pasok din sa top 5, ay hinakot naman nito ang iba pang minor at major awards, maliban pa sa Best in Formal Wear, ay naiuwi din nito ang Best in Casual Wear, Mr. Heartnet at Mr. Congeniality.

      Nakuha naman ni Allen Carl Aquino ang Best in Swimwear at Mr. Red Logo sa male category, habang si Kristian Rayo naman ang nakasungkit ng Mr. Photogenic.

      Hindi naman mawawala sa kompetisyon ang People’s Choice award na nakuha nina John Albert Mones at Vaniza Mae Badiana, si Badiana din ang napili bilang Ms. Red Logo.-Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *