Kabayan Action Group Anti-Crime Unit Bongabon Chapter, nagtalaga na ng bagong chairman at Officers

Nagtalaga na ang Kabayan Action Group Anti-Crime Unit (KAG)  ng Bongabon Chapter ng bagong set ng chairman at opisyales. Sa panayam kay KAG National President Nomie Bustamante  ipinaliwanag nito na ang Kabayan Action Group ay binuo upang tumulong sa bayan na mapababa ang kriminalidad.

Kasabay ng pagbubukas ng mobile registration ng new at renewal ng membership sa lahat ng chapter ng Nueva Ecija Kabayan Action Group ay ipinakilala sa mga myembro ang bagong mga opisyales ng Bongabon chapter sa pangunguna ni Chairman Alexis Mangahas.

Dinaluhan ito ng mga myembro ng KAG,  National President Noemie Bustamante at former Bokal Macoy Matias na representante ni Vice Governor Anthony Umali na myembro rin  ng Kabayan Action group  at marami pang iba.

Ang Kabayan Action Group Anti-Crime Unit  ay kinikilala ng Philippine National Police bilang myembro ng Peace and Order Council bilang mga boluntaryong representante ng mga mamamayan na may iba’t ibang sangay sa buong bansa.

Misyon ng KAG  na asistehan ang PNP sa paglaban sa kriminalidad, karahasan, illegal na aktibidad, drug abuse,  I-monitor at I report ang iba’t ibang uri ng krimen na nagaganap sa lugar.

Bukod pa dito ay  naglulunsad din ang KAG ng  programa para sa mga mamamayan, kalikasan at kabuhayan  na makakatulong upang maitaas ang estado ng  pamumuhay ng mga mamamayan at makatulong sa preserbasyon at pangangalaga sa kalikasan. nagbibigay sila ng benepisyo sa mga nais sumapi katulad ng  libreng legal assistance, local government assistance  at insurance sa mga volunteers.  â€“ Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *