Kabayanihan ni Rizal, isabuhay! –Mayor Nerivi Santos-Martinez

   “Kabayanihan ni Rizal, isabuhay!” Ito ang mensahe ni Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez, sa nakaraang pagdiriwang ng Ika-Dalawampung taong anibersaryo ni Dr. Jose Rizal.

   Muling ginunita ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa bayan ng Talavera, sa Ika-Dalawampung taong anibersaryo ng pagpatay sa Pambansang Bayani.

   Sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos-Martinez, katuwang si Vice Mayor Junjun Rodiel at ilang konsehales ay nag-alay sila ng mga bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal na nakatayo sa harapan ng Munisipyo.

   Ayon sa Punong Bayan, dapat araw-araw na isabuhay at isapuso ang mga aral ni Rizal at hindi lang tuwing Ika-tatlumpong araw ng Disyembre.

   Isa-isa ding nag-alay ng bulaklak ang mga kapulisan, guro at kawani ng munisipyo at iba pang sektor  sa rebulto ng Pambansang Bayani.

   Dagdag pa ni Mayor Martinez, katulad ni Rizal naniniwala rin siyang ang “Kabataan ang pag-asa ng Bayan.” Kaya’t sa bayan ng Talavera,libreng nakakapag-aral ang mga kabataang nangangarap na makapagtapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *