Kahalagahan ng Turismo sa lalawigan, tinalakay sa Tourism Enterprise forum

Higit limampung patisipante na kinabibilangan ng mga Tourism Officers, Hotel and Restaurants Head, Consultant, Academe at Local Government Units, ang dumalo sa Tourism Enterprise  Forum na ginanap sa Provincial Auditorium sa Old Capitol Compound kahapon July 25, 2018.

Sa aming panayam kay Lorna Mae Vero, Chief, Provincial Tourism Office.  Sinabi nito na ang turismo ang nagbubukas ng malaking opurtunidad para makapagbigay ng negosyo at  trabaho sa tao.

Ibinahagi din nito ang mga hakbang na ginagawa ng turismo sa lalawigan upang lalo pang mapaunlad  ito.

Bagama’t hindi aniya katulad ng ibang lalawigan ang Nueva Ecija  na may mga  beaches spots na dinarayo ay malakas naman aniya ito sa Agricultural Tourism, Educational Tourism at Faith Tourism, at Mice Tourism.

May mensahe naman si Vero sa mga turista at kapwa Novo Ecijano na dalawin at bistahin ang ganda ng lalawigan Nueva Ecija.

Para naman kay Rhea Leyva Santos, Tourism Officer ng  bayan ng Guimba, inaasahan aniya nito na mahikayat ang mga tourism establishments partikular sa akomodasyon sa turismo, na makipagtulungan sa lalawigan na makalikom ng mga datus para  aniya updated ang data gathering ng DOT sa lalawigan. 

Ayon naman kay Nelson Gonzales, Tourism Officer ng Nampicuan, malaki ang kahalagahan ng turismo sa lalawigan dahil aniya  dito mas nakikilala ang kanilang lugar  na bagamat payak at simple.

Layunin ng Tourism Enterprise Forum ay upang mapag usapan ang turismo sa lalawigan, upang lalo pang mapalago at maging maunlad hindi lang ang lalawigan bagkus ang buong Pilipinas.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *