Kahalagahan ng youth service, ibinida sa 3-day excursion ng Love in Lights youth leaders sa Brgy. Burgos, Carranglan

Maswerteng napili sa lalawigan ng Nueva Ecija ang Brgy. Burgos sa bayan ng Carranglan bilang benepisyaryo ng mga programa ng Global Peace Foundation katuwang ang Love in Lights International ngayong taon.

At mula sa iba’t ibang bansa, nagsama-sama ang 11 Love in Lights International youth leaders para magsagawa ng mga aktibidad sa lugar sa loob ng tatlong araw.

NAGSAMA-SAMA ANG MGA FOREIGN YOUTH LEADERS NG LOVE IN LIGHTS INTERNATIONAL AT MGA KABATAAN NG BRGY.BURGOS CARRANGLAN PARA SA TATLONG ARAW NG EDUCATIONAL ACTIVITIES KATUWANG ANG GLOBAL PEACE FOUNDATION AT DEPARTMENT OF EDUCATION.

Ayon kay Jocelyn Remigio, program director ng GPF Community Development, layunin nito na maibahagi sa mga kabataan ng Brgy. Burgos ang kahalagahan ng youth service.

Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa sa 3-day excursion mula april 5-7, ay ang painting project, hygiene education, solid waste management, arts education at sports education.

Bahagi rin ng programa ang pamimigay ng mga solar lamps sa mga kabataan sa darating na april 16 bilang tugon sa “One Child, One Lamp” ng GPF at Department of Education.

Samantala, labis naman ang kasiyahan ng mga foreign leaders sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga kabataan ng burgos.

Lubos din naman ang pasasalamat ng mga taga-Burgos sa pagdating ng mga bisita sa kanilang lugar.

Gaya na lamang ni Monica Carig na tuwang tuwa dahil sa matatanggap na solar lamp na malaki umanong tulong para sa kanyang pag-aaral.

Mensahe naman ng head teacher ng Burgos Elementary School na si Oliver Pascual, sana ay gamitin aniya ng mga kabataan ang mga natutunan para mas paunlarin pa ang kanilang mga sarili at kinabukasan.  – ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *