kahuli hulihang quarantined MERS CoV patient sa South Korea, na discharge na

1
Last MERS CoV patient now clear of the virus in South Korea// Photo From AFP BB NEWs

Naka 68 days quarantine ang South Korea pagkatapos ma-discharge ang pinaka huling MERS CoV patient sa bansa. Inaasahang ito na ang huling kaso ng MERS Cov sa South Korea.Kung aabutin ng 68 Days na wala ng susunod na kaso ng MERS CoV , magiging MERS CoV free na ang South Korea.ito ang inaasahan ng bansa lalo pa at ilang buwang na lugmok sa sakit na MERS CoV ang South Korea.

Umabot sa 16,693 katao ang na quarantine simula ng kumalat ito noong May 20. Naitala ang 186 confirmed Cases ng MERS CoV at 36 Confirmed deaths ang South Korea. Dahil sa ilang buwang pananalasa ng MERS CoV Malaki ang naging epekto nito sa turismo sa South Korea kaya naman ipina-tupad ng Korea Association of Travel Agents ang automatic health care insurance registration para sa mga turista sa loob ng tatlong buwan mula June 22 hanggang September 20, 2015

2
Tourism Director-General Kim Chul-min

“This insurance system is in effect in order to further ensure the safe and pleasant travel of all tourists,”

Bumagsak ng 40%  ang foreign visitors sa south korea ng mga nakaraang buwan at 60% naman ang ibinaba sa pag pasok ng buwan ng Hulyo.

Sa ngayon kung papalarin na wala nang masundan pa na kaso ng mers cov sa south korea at tuluyan nang makabangon ang bansa sa delubyong hatid ng Mers Cov- Ulat ni Philip “ Dobol P” Piccio

[youtube=http://youtu.be/HVfUEBmC4YU]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *