KALANSAY NG TAO, NATAGPUAN; 72 ANYOS NA LOLO, ANIM NA ARAW NG NAWAWALA

Sumasailalim sa autopsy examination ng Nueva Ecija Provincial Crime Laboratory Office ang kalansay ng isang tao na natagpuan sa Palayan City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya at Soco, nadiskubre ng isang estudyante ang kalansay sa ilalim ng isang puno habang siya ay nagsusuga ng kalabaw sa gilid ng kalsada sa barangay Singalat.

Nakasuot ng pulang t-shirt ang biktima na may tatak na Mayor Levi Santos at Vice Mayor Edgar Valdez, itim na pantalon na may puting stripe, may itim na rubber bracelet, at rosary nan aka-kwintas sa kanyang leeg.

Pinaghahanap ng kanyang mga kaanak si lolo Tony o Antonio Germino y Garcia, sitenta’y dos anyos, na anim na araw na ngayong nawawala.

Ayon sa kanyang anak na si Celso, umalis ang kanyang ama noong May 20, 2015 para bumili ng gamot sa Cabanatuan City ngunit simula noon ay hindi na ito bumalik ng kanilang bahay sa barangay Mabini, bayan ng Sta. Rosa.

Si lolo Tony ay may taas na 5’5, maputi ang kutis, at kulay puti na ang buhok at kilay.

Kung sinuman ang nakakaalam ng kanyang kinaroroonan ay kumontak sa cellphone number 0935-123-6697.-Ulat ni Clariza de Guzman

[youtube=http://youtu.be/tcgcarUOSrI]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *