Kalinga Ministry, ipinagdiwang ang ika-20 taon ng patuloy na pag tulong sa mga kababaihang biktima ng human trafficking

Ipinagdiwang ng Kalinga Ministry  ang ika-20 taon ng patuloy na pag tulong sa mga kababaihang biktima ng human  trafficking. Dinaluhan ng mga kaibigan, sponsors at katuwang sa pag tulong sa mga kababaihang biktima ng human trafficking ang selebrasyon na ginanap sa Harvest Hotel.

Ayon Kay Dra. Marita Viloria co-founder ng Kalinga Ministry, bagama’t maganda na ang lagay ng kanyang buhay abroad dalawampung taon na ang nakakaraan ay patuloy syang tinatawag upang mag bigay ng serbisyo at pagkalinga sa kanyang mga kababayan na naging tulay upang itayo ang Kalinga Ministry na itinatatag noong July 10,1999 sa Pasadena, California.

Hindi na mabilang ang dami ng tinulungan at patuloy na tinutulungan yan ang binitiwang pahayag ni Mrs. Edith Capule, Treasurer ng Kalinga Ministry. Hindi aniya madali ang transition na pinagdadaanan ng mga biktima dahil hindi agaran ang resulta at pagbabago nila sa kanilang buhay.

 Bukod sa pag giya sa mga kababaihan palayo sa buhay na may pang aabuso, prostitution at maling gawain ay isinasailalim din nila ang kanilang mga na rescue sa counseling, training at seminar na makatutulong upang makapag simula ng bagong kabuhayan.

Ilan lamang ang pag gawa ng mga peanut butter at paper flowers na ibinebenta sa mga sponsors at supporters ng Kalinga Ministry sa uri ng pinagkakakitaan ng mga kababaihan  upang masuportahan ang kanilang sarili at pamilya.

Sa mensahe si Pastor  Michael Alba ng Ways of Grace   New Jersey  hindi nag iisa ang  mga kababaihan na nakakaranas ng pang aabuso dahil handa ang Kalinga Ministry na igiya sila patungo sa mas magandang kinabukasan. –Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *