Karangalan, kalayaan at kapayapaan, tampok sa pag-tatapos sa ikalawang digmaang pandaigdig

Gaya ng nakagawian nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal at mga kawani ng Provincial Government of Nueva Ecija, National Historical Commision of the Philippines, Department of State United States of America at ang Philippine Veterans Affairs Office Department of National Defence sa Pangatian Shrine bilang paggunita sa ika-pitumput limang anibersaryo ng pagpapalaya sa mga bihag ng digmaan noong World War II, noong January 30, 2020.

Ang Camp Pangatian ay isang dating Mobilization Center ng Philippine army ilang taon bago ang digmaan at matatagpuan sa silangang bahagi ng Cabanatuan City.

Noong ika-30 ng Enero, 1945, lumusob ang mga tauhan ng Alamo Scouts at us 6TH  Ranger Batallion sa ilalim ni Lieutenant Colonel Henry Mucci at para iligtas ang mga preso ng Pangatian.

Kasama ang mga gerilya na pinangunahan nina kapitan Eduardo Joson at kapitan Juan Pajota, nagawang masagip ng pinagsanib na pwersang amerikano at pilipino ang limangdaan at labinganim na preso.

Ang paglusob sa kampo Pangatian ang isa sa mga itinuturing na matagumpay na raid sa kasaysaysan ng US military.

Ang mga preso ay nagmula sa iba pang kampo sa gitnang Luzon at karamihan ay mga survivor sa Death March.

Kumakatawan din ito sa napakahabang napagtagumpayan at pagtutulungan ng Pilipinas at Estados Unidos, partikular na ang kani-kanilang sandatahang lakas.

Lahat ng mga pangyayari ay nakatatak ngayon sa bato sa Pangatian War Memorial.

Makikita ngayon saPangatian ang dalawang malalaking marmol kung saan nakaukit ang mga pangalan ng lahat ng mga amerikanong servicemen na nakulong doon.

Sa kaparehong araw ay nagkaroon naman ng Forum ang mga mag-aaral mula sa Wesleyan University Philippines, Bongabon National High School, Nueva Ecija High School, CLSU school leaders at mga Tourism Officers mula sa ibat-ibang LGU’s sa Nueva Ecija.

Tinalakay ni History Department University of the Philippines-Diliman, Dr. Ricardo Jose ang kasaysayan ng Nueva Ecija upang lubusang maunawaan ng mga kabataan ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Kabilang naman sina Julius Sta. Maria mula sa palayan city at Engineer Jose Hipolito ng bayan ng Bongabon na nagmungkahing magkaroon ng ugnayan ang lahat ng tanggapan ng Tourism Office sa Nueva Ecija upang  mapag-usapan ang Cultural Mapping Ceremonial na naglalayong lubos na magkaroon ng pagkakakilanlan ang bawat kabataan sa kasaysayan ng lalawigan ng Nueva Ecija. Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *