Kaso ng mga naputukan sa Nueva Ecija sa nakaraang bagong taon bumaba; Mga mamamayan paano nga ba nag diwang ng bagong taon ngayong taong 2016

Iwas paputok Campaign ng Department of Health para sa pag pasok ng taong 2016
Iwas paputok Campaign ng Department of Health para sa pag pasok ng taong 2016

     Naging maingay man ang pag salubong ng bagong taon sa buong bansa ay kaamihan pa rin sa ating mga kababayan ay mas pinili na lamang gumamit ng alternatibong mga pamamaraan upang hindi na magpaputok sa pag pasok ng taong 2016.

     Sa pag lilibot ng crew ng tv 48 sa disperas ng bagong taon. Hindi man madami ang naging handa ng ilan sa ating mga kababayan dahil na rin nasalanta ng bagyong lando ay pinilit pa ring makapag handa ngayong bagong taon at mag-ingay  sa kani-kanilang paraan upang maipagdiwang ang pagpapalit ng taon.

     Ilan sa ating mga kababayan ang pinili na mag karaoke na lamang  upang makapag ingay ngayong bagong taon Ang ilan naman ay mas pinili na lamang gumawa ng boga upang makapag ingay sa pag salubong ng taong 2016.

Boga

Gayunpaman ilan pa rin sa ating mga kababayan ang pinili pa ring magpaputok dahil na rin parte ito ng ating tradisyon. Naging handa din ang ating mga ospital sa posibleng pag dagsa ng mga pasyente o mga biktima ng paputok o ligaw na bala. Isa na dito ay ang ELJ Memorial Hospital kung saan nag handa ang mga personel sa pag pasok ng bagong taon.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *