Kaso ng tigdas sa Nueva Ecija, umaabot sa mahigit pitongdaan, habang pito naitalang patay

Ang Cabanatuan city ang may pinakamaraming bilang sa kaso ng tigdas sa Lalawigan na umaabot sa isangdaan at pitumput isa.

Kasunod ang Bayan ng Talavera na mayroong walumpong katao.

Kabilang din ang Bayan ng San Jose City, Cabiao, Carranglan, Quezon, General Tinio, Gapan City, San Antonio at Guimba.

Habang pito ang naitalang patay sa magkakahiwalay na mga Bayan ng Pantabangan, Cabiao, Gapan City, Cabanatuan City at San Jose City.

Ayon kay Dra. Josefina ng Provincial Health Office, mabilis na kumakalat ang virus ng tigdas sa pamamagitan ng pag-hatching o pag-ubo ng isang taong mayroon nito.

Mga sanggol at batang nasa eded isa hanggang sampong taon,
kadalasang nabibiktima ng tigdas

Karamihan sa mga nabibiktima nito ay mga sanggol at batang nasa isa hanggang sampong taong  gulang.

Ito ay isang uri ng virus na sumisira sa respiratory tract o daanan ng paghinga bago kumalat sa buong katawan.

Tigdas, mapanganib sa mga nagbubuntis, maaring malaglag ang bata
o ipanganak ng kulang sa timbang

Samantala, mapanganib ang sakit na ito sa isang nagbubuntis, dahil posibleng malaglag ang bata o ipanganak ng kulang sa timbang.

Ang mga sintomas nito ay pagkakaroon ng mataas na lagnat, ubo, sipon pamumula at pag-tutubig ng mata, pananakit ng ulo na susundan ng mapupulang pantal na kumakalat sa mukha patungo sa iba pang bahagi ng katawan at pagkawalang ganang kumain.

Pinaalalahanan naman ni Dra. Josefina Garcia ng PHO ang mga Novo Ecijano na maaring pumunta sa Rural Health Unit para sa libreng pagpapabakuna sa inyong mga anak mula 9  m0nths hanggang anim na taong gulang upang maagapan ang ganitong klase ng sakit. -Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *