KAUNA-UNAHANG BRANCH NG DS. SKINCARE CENTER SA LALAWIGAN, BINUKSAN NA

Ibinukas na sa publiko ang kauna-unahang branch ng DS. o Dianastalder Skincare Center sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa isa sa mga owner ng DS. Skincare Center na si Engr. Mercy Padolina, dinala nila dito sa lalawigan partikular sa lungsod ng Cabanatuan ang D.S dahil naniniwala sila na napakahalaga ng pagkakaroon ng magandang balat lalong higit sa mga kababaihan.

Aniya, nakita niya na handa na ang mga Novo Ecijanong tanggapin ang mga makabagong produktong pangpaganda kaya naman hindi niya umano ipagdadamot ang mga ito sa kaniyang mga kababayang nais magkaroon ng makinis at magandang kutis.

Siniguro naman ng co-owner na si Diana Stalder sa publiko na bibisita sa kanilang clinic na magiging maganda ang kanilang experience doon dahil bukod sa matataas ang kalidad ng kanilang mga produkto ay magagalang at mababait rin ang lahat ng staff at crew nito.

 Ilan sa mga ino-offer na services ng Dianastalder ang beauty products, facial, body massage at body scrub na very affordable ang mga presyo. Mayroon din silang mga promo na tatagal hanggang sa Disyembre ngayong taon.

Samantala kasabay ng pagbubukas ng Dianastalder ang grand opening rin ng James Cooper Salon at DS. Café na pawang mga healthy at good for dieting ang mga tinda.

 Sa mga nais bumisita, ang James Cooper Salon, DS. Café at DS. Skincare Center ay matatagpuan sa XP Building, Circumferential Road Barrera District, Cabanatuan City.– Ulat ni MARY JOY PEREZ

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *