Kauna-unahang Panlalawigang Araw ng mga Kawani, inorganisa ng Civil Service Commission

Lumahok sa kauna-unahang Zumba Competition ng Civil Service-Nueva Ecija ang mga kawani ng gobyerno noong Biyernes September 6, 2019 na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng 119th Philippine Civil Service Anniversary na may temang: “Upholding Integrity and Building a High-Trust Society”

Pumuwesto bilang 2nd Runner up ang DepEd Cabanatuan.Tinanghal naman bilang 1st Runner up ang Central Luzon State University at nasungkit ng LGU Palayan City ang kampaeonato. Nakatanggap naman Certificate of Appreciation, Certificate of Appearance at 1, 500 pesos consolation Prizes ang lahat ng mga kawaning lumahok sa mga aktibidades ng Civil Service.

Ayon kay Eleanor Prado, Direktor ng Civil Service Commission-Nueva Ecija, Ang pagdiriwang ng kauna unahang Panlalawigang Araw ng mga Kawani ay base sa proklamasyon at Resolution Number 6 ng Pamahalaang Nasyonal.

Layunin aniya nito na magpagbuklod ang lahat ng government officials and employees, magkaroon ng panahon na magkakila-kilala, makapag-bonding ang bawat empleyado ng gobyerno.

Naging masaya naman ang karanasan ni San Antonio Vice Mayor Julie Maxwell, sa paglahok sa  Zumba Competition dahil nakita umano nito ang pagkakaisa, pagtutulungan at kooperasyon ng bawat grupo ng mga kalahok sa patimpalak ng Civil Service.

Nagpasalamat naman ang mga empleyado ng Palayan City sa Civil Service sa patuloy na pagsuporta  at nabibigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na ipakita ang kanilang talento at pagkakataon na magkasama sama ang iba’t ibang departamento.

Bukod sa Zumba ay nagkaroon rin ng Fun Run For a Cause  na nilahukan ng 1, 998 empleyado na ang proceeds ay mapupunta sa siyam na empleyado na sumasailalim  sa Chemotherapy at Dialysis.

Nagpa-raffle rin ang Civil Service ng mga appliances katulad ng Electric Fans, Refrigerator,  2 TV, labing anim na sako ng bigas, at marami pang iba.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *