Kauna-unahang Pokemon Go Grand Lure Party sa Nueva Ecija, dinagsa

   Mahigit sa isang libong Pokemon Go Gamers mula sa iba’t-ibang bahagi ng Nueva Ecija ang dumagsa sa Freedom Park, Cabanatuan City dahil sa free lures, free wi-fi mula sa Cignal at Smart, at free charging na inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagdiriwang ng ika-isang daan at dalawampung taong anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, na pinamagatang Pokemon Go Grand Lure Party.

Dinagsa ng mga pokemon trainors ang kauna-unahang Pokemon Go Grand Lure Party na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-isang daan at dalawampung taong anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija.
Dinagsa ng mga pokemon trainors ang kauna-unahang Pokemon Go Grand Lure Party na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-isang daan at dalawampung taong anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija.

   Inihandog din sa mga pokemon trainors ang live band performances mula sa mga local bands at rappers ng probinsya, mga palaro at raffles na may iba’t-ibang papremyo.

   Ayon kay Apet Cruz, Event Organizer, dinarayo at naging tambayan ngayon ng mga pokemon go gamers ang Freedom Park dahil sa mga pokestop na matatagpuan dito.

   Para sa mga pokemon go gamers, hindi lamang kasiyahan ang naidudulot ng paglalaro nito kundi  pagkakaroon din ng maraming kaibigan at naging daan din bilang alternatibong pagkakakitaan.

   Kagaya na lamang ni Jerome Bascos, mula sa San Jose City, sa sobrang pagkahumaling nito sa paghahanap ng pokemon ay mas pinili nitong mag-resign sa trabaho, ngunit dahil din sa pokemon go ay nagkaroon ito ng alternatibong pagkakakitaan kung saan nagbebenta ito ng mga pokemon souvenirs.

   Nagpasalamat din ito kay Governor Czarina “Cherry” Umali dahil sa unang pagkakataon aniya ay nabigyan ng ganitong uri ng kasiyahan ang mga gamers na katulad nito.

   Kabilang din sa dumagsa sa Grand Lure Party ay ang syam na taong gulang na si Dexter Guttierez kasama ang kanyang ama na si Mark Guttierez.

   Ayon kay Mark, bilang reward sa pagiging honor student ng kanyang anak na si Dexter ay pinapayagan nitong paminsan-minsan ay makapag-enjoy ang anak sa pamamagitan ng mga online or cellphone games.

   Dagdag ni Mark, sa halip na droga ang atupagin ng mga kabataan ngayon ay mas mainam na lamang aniyang maakit ang mga ito sa paglalaro ng pokemon go. -Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *