Kauna unahang Street Dance Competition sinimulan na rin sa Barangay Cabu Cabanatuan City

Sinimulan na ang kauna-unahang street Dance Competition sa Barangay Cabu Cabanatuan City na siyang nagdala ng kasiyahan sa mga mamayan na nakasaksi sa ibat-ibang pakulo ng bawat kalahok na ipinamalas ng  mahuhusay na mga kabataan na mula sa anim na puro.

 

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Sanguniang Barangay ng Cabu ay naging matagumpay ang isinagawang street dance competition.

 

Limang purok ang nagpasiklaban sa naturang street dance tulad ng Purok Magallanes, Aguinaldo, Purok Imelda, Bonifacio, Mabini, at Plaridel.

Makikita ang kasiyahan sa bawat bata na nagperform at bigay todo ang mga ito sa paghataw sa sayaw.

Naipakita naman ang produkto ng kanilang barangay sa pamamagitan ng ibat-iibang theme na ibinigay sa bawat purok na lumahok tulad ng mais festival, papaya festival, palay festival at kalamansi festival.

Marami ring panauhin ang nakasaksi sa masayang pagdiriwang ng street dance competition.

Dahil sa masayang dulot ng patimpalak ay minungkahi ni konsehala Emy  Grey na masusundan pang muli sa mga susunod na taon ang ganitong aktibidad sa kanilang barangay at mas palalawakin pa ang partisipasyon sa aktibidad na panlalawigan.

Dagdag naman ni Kagawad Jobert Garcia na nakabuti ang street dance competition para sa mga kabataan ng Cabu dahil dito nila nakita ang talento ng bawat kabataang nakiisa sa pagsayaw at maari pa umano nilang idevelpop ang kanilang kakayahan pagdating sa pagsasayaw.Isa naman sa naging kalahok ay nagpasalamat sa mga bumuo ng patimpalak

Samantala panalo naman ang mais festival, pumangalawa ang palay festival,pangatlo ang kalamansi festival, pang apat ang papaya festival.Ulat ni Bituin Rodriguez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *