Kelot binoga sa inuman, patay; Nagselos sa partner, tindero, nagbigti

   Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi nakilalang suspek habang nasa inuman sakanilang tahanan sa barangay Bonifacio, bayan ng Cuyapo.

   Isinugod ng kanyang mga kamag-anak sa Guimba District Hospital ang biktimang si Reyno Domingo y Salvador ngunit idineklarang dead on arrival.

Binaril ng hindi nakilalang suspek sa loob ng kanilang bakuran si Reyno Domingo habang nakikipag-inuman sa kanyang tatay at kaibigan.
Binaril ng hindi nakilalang suspek sa loob ng kanilang bakuran si Reyno Domingo habang nakikipag-inuman sa kanyang tatay at kaibigan.

   Base sa imbestigasyon ng Cuyapo Police Station, 11:45 ng gabi, habang kainuman ng biktima ang kanyang tatay at isang kaibigan nang dumating ang suspek.

   Bumati pa ito ng “Magandang gabi po” bago  pinaputukan ang biktima gamit ang maikling baril. Narekober ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

   Sa bayan ng San Isidro, depresyon dahil sa selos sa kanyang live-in partner ang itinuturong ugat ng pagbibigti ng isang tindero ng manok sa Dike, barangay Poblacion.

   Kinilala ang nag-suicide na biktimang si Jessie Boy Cortez y Mawak, 26-anyos, binata, at residente ng Purok 7, barangay Sucad, Apalit, Pampanga.

Hindi kinaya ng isang tindero selos na nararamdaman kaya nagawa nitong magpakamatay.
Hindi kinaya ng isang tindero selos na nararamdaman kaya nagawa nitong magpakamatay.

   Habang ang kinakasama nito ay tinukoy na si Ednalyn Ecalnir y Bautista, 19-anyos, at naninirahan sa Dike, Poblacion.

   Ayon sa salaysay ng katrabaho ng biktima na si Francis Marcos y Mana, 37, dakong 9:00 ng gabi nang tawagan siya ni Cortez at sinabi nitong “Boss hindi ko na kaya yung nakita kong ginawa ng asawa ko, papakamatay na lang ako. Maraming salamat sa pagkupkop ninyo sa akin ni boss”.

   Ala una kinse ng hapon kinabukasan nang matagpuang nakabigti ng cable wire ang biktima na nakatali sa hamba ng bubong ng bahay ng kanyang amo na si Leonardo Gripal y Marcos.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *