Kerwin Espinosa, pinaalis sa Witness Protection Program- CIDG

Hiniling ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) na tanggalin na si Kerwin Espinosa sa Witness Protection Program (WPP).

Ito’y kasunod sa pagbawi ni Espinosa sa korte ng kanyang mga inamin noon sa Senado tungkol sa partisipasyon niya sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay CIDG Director Roel Obusan, wala nang kredibilidad si Espinosa bilang testigo dahil pabago-bago ang testimonya nito kaya hindi na dapat binibigyan pa ng pribilehiyo ng WPP.

http://www.bomboradyo.com/kerwin-espinosa-pinaalis-namin-sa-witness-protection-program-cidg/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *