Mga itinanghal na Grand Winners ng Nueva Ecija’s Next Top Model Season 6/Cycle 4, kilalanin

Pagrampa suot ang high heels, pag-awra suot ang mga high fashioned clothes, at matindihang poses.

Ilan lamang iyan sa mga ipinamalas ng limampung teen and kid models mula sa lalawigan ng Nueva Ecija sa katatapos lang na Grand Coronation Day ng Nueva Ecija’s Next Top Model Teen Edition Season 6 at Kids Edition Cycle 4 sa SM Mega Center, Cabanatuan City nitong nakaraang Sabado, April 21.

17 female models at 10 male models ang nagpasiklaban ng galing sa teen’s cycle. Habang 20 female models at 3 male models naman sa kids’ cycle.

Kanya-kanya ng istilo at pakulo sa runway ang mga kalahok suot ang casual retro outfit, summer army attire, vintage style gowns , formal attire at high fashioned clothes.
Ngunit sa lahat ng mga kandidato at kandidata, pinaka-nangibabaw ang galing ni female model number 9, Kharisma Kurashima at male model number 9 , Nikko Matias dahilan upang sila ang tanghalin bilang NENTM Season 6 Grand Winners.

Nakamit naman ni female model number 13, Joyce Ann Tagle at male model number 2 , Jherzell Santos ang korona bilang NENTM Kids Cycle 4 Grand Winners.

Ayon sa CGA Production director and NENTM organizer na si Cel Aguas, layunin ng nasabing runway event na magbigay ng inspirasyon sa mga kabataang Novo Ecijano at imulat ang mga ito sa fashion world.

Bukod pa rito hinikayat rin ni aguas ang mga batang Novo Ecijano na may edad 4-21 na makilahok sa mga susunod pang season ng NENTM.

Ang Nueva Ecija’s Next Top Model grand winners ay maswerteng nag-uwi ng cash prizes, sash, trophies, gift packs mula sa iba’t ibang sponsors, pair of shoes mula sa sikat na shoe designer na si Jojo Bragais, 1 year contract at 30 % discount sa CGA Productions na siyang main producer ng nasabing modeling event. – ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *