Killer Virus Ebola Outbreak Update: Panibagong Kaso ng Ebola, naitala na naman sa Liberia

1
Health Care Workers in South Africa. Photo courtesy of www.cdc.com

Tinamaang muli ng Ebola ang Liberia. Patay ang isang Liberian woman matapos itong I-admit sa ospital dahil sa sakit na Ebola. Matatandaang naging Ebola free ang Liberia ng pitong linggo bago muling sumalakay ang sakit na kumalat na sa anim na katao at kumitil na sa buhay ng Liberian woman kamakailan lamang.

May 9 2015 ay naideklara nang Ebola free ang Liberia. Umabot lamang ng pitong linggo bago muling magkaroon ng confirmed cases ng Ebola sa Liberia. Naging dahilan ang bagong kaso ng Ebola para kabahan ang mga mamamayan at hindi magpasuri kung sila ba ay dinapuan na ng Ebola.

2
Ebola patient. Photo courtesy of World Health Organization

Nangangamba ang mga mamamayan ng Liberia na magkaroon muli ng outbreak sa kanilang lugar. Sa Sierra Leone pa lamang ay umabot na ng 4,000 ang namatay dahil sa sakit na Ebola simula ng kumalat ito noong  December 2013

Umabot na sa 11,200 na katao ang binawian ng buhay dahil sa Ebola sa South Africa at patuloy pa rin itong nadadagdagan

3
Michelle Meyer (left) and Alexander Bukreye (right) conducted the research on aerosolized Ebola Vaccine. Photo by: Christian Von Eschenbach/ University of Texas Medical Branch

Samantala dine-develop naman ang aerosolized vaccine na gumana na sa mga unggoy upang sila ay aprotekthan mula sa sakit gayunpaman, hindi pa ito nakasisigurado na ang aerosolized vaccine ay kayang gumamot ng tao lalo pa at hindi pa ito nasusubukan. Kung magiging successful ito ay mas magiging madali itong gamitin dahil hindi na kailangan pa ng medical personnel para I-administer ito.

Sa ngayon kung magiging successful ang aerosolized vaccine, malaki ang maitutulong nito upang tuluyan nang ma eliminate ang Ebola sa South Africa.-Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio

[youtube=http://youtu.be/FiuPcDvX_Z4]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *