Kiwanis Club of Golden Grains, naghatid ng saya sa mga batang Dumagat ng Gabaldon

Naghatid ng saya ang Kiwanis Club of Golden Grains sa mga batang Dumagat sa Bayan ng Gabaldon.

Isandaan at apatnapung mag-aaral mula Kinder hanggang Grade six  ng Gawad Kalinga Elementary School kabilang na ay ang apatnapung katutubo na nabiyayaan ng mga tsinelas,ukay ukay na mga damit,  papel, notebook at toothbrush sa isinagawang programa ng Kiwanis Club kahapon March 6, 2019.

Katuwang ang SM Mega Center na naghandog ng mga  SM Bears of Joy sa lahat ng mga mag-aaral ng naturang paaralan.

Habang ang Kapuso Kapatid Kapamilya  o KKK ng haranista ng Talavera naman at  sina Mayeth Luena , Emily Dela Cruz  ang  nagpamigay ng dalawang kahong  mansanas.

Mainit na sopas naman  na may kasamang juice ang inihain ng Kitchen on Wheels ng Provincial Government  na pinagsalusaluhan ng mga estudyante, magulang at mga guro.

Ayon sa Head Teacher III ng Gawad Kalinga Elementary School na si Chona Villanardo, ang programa na ito ng Kawanis ay maganda dahil sa madami ang natutulungan lalo’t higit sa mga katutubong mag – aaral.

Tuwang – tuwa naman ang mga bata dahil nagmistulang masayang pasalubong sa kanila ang Programa ng Kiwanis.

Labis ang naging pasasalamat ng mga estudyante at mga guro ng naturang paaralan sa Kiwanis Club of Golden Grains dahil sa epektibo ang kanilang programa. Ang Kiwanis Club of Golden Grains ay isang boluntaryong organization na nagsisilbi sa mga bata. Ulat ni Joice Vigilia / Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *