Kontrobersya sa Bayan ng Pantabangan, mas lumala

Naghain ng tatlong legal remedies si Incumbent Mayor Lucio Uera upang maresolba na ang kontrobersya sa Pantabangan at umaasang makaka-sweldo na ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan.
Naghain ng tatlong legal remedies si Incumbent Mayor Lucio Uera upang maresolba na ang kontrobersya sa Pantabangan at umaasang makaka-sweldo na ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Umaapela sa tanggapan ni Department of Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento si Pantabangan Mayor Lucio Uera kasunod ng pagbaba ng Memorandum ni DILG Regional Director Florida Dijan kung saan kinikilala bilang Acting Mayor si Vice Mayor Ruben Huerta.

Hinihiling ni Mayor Uera na reviewhin ni Secretary Sarmiento ang nasabing aksyon ng DILG tungkol sa kontrobersya ng pagkakaroon ng dalawang Punong Bayan ng Pantabangan.

Matatandaan na binaligtad at isinantabi ng Court of Appeals noong June 18, 2015 ang desisyon ng Office of the Ombudsman noong 2013 na nagtatanggal sa serbisyo kay Uera dahil sa mga kasong Grave Misconduct at Grave Abuse of Authority na isinampa ng apatnapo’t apat na permanent employee ng Pamahalaang Lokal ng Pantabangan noong  2005.

Mas lumala umano ang kontrobersya sa pagkakaroon ng dalawang Punong Bayan sa Pantabangan dahil sa pagbaba ng Memo ng DILG kung saan kinikilala bilang Acting Mayor si V. Mayor Ruben Huerta.
Mas lumala umano ang kontrobersya sa pagkakaroon ng dalawang Punong Bayan sa Pantabangan dahil sa pagbaba ng Memo ng DILG kung saan kinikilala bilang Acting Mayor si V. Mayor Ruben Huerta.

Ngunit naghain ng Motion for Reconsideration kaugnay sa nasabing kapasyahan ang Office of Legal Affairs sa pamamagitan ni OIC-Assistant Asryman Rafanan.

Dahil dito ay nag-file ng very Urgent Motion for Execution ng desisyon noong June 18, 2015 na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nareresolba ng CA.

Samantala, August 4, 2015 nagsampa ng Petition for Mandamus sa Regional Trial Court ng Cabanatuan City Branch 23 si Mayor Uera laban sa Manager ng Philippine National Bank kung saan hinihiling nya na mai-withdraw ang pondo na nakadeposito dito kabilang ang  sweldo ng mga empleyado ng Pantabangan.

Paliwanag ng Manager ng PNB na si Erwin Cajucom, hindi umano nito alam kung sino kay Uera at Huerta ang “authorized” na maglabas ng pondo sa bangko dahil naka-pending pa ang kaso sa Court of Appeals.

Resulta nito, patuloy na dumaranas ng hirap ang mga kawani ng Munisipyo ng Pantabangan na limang buwan ng hindi sumusweldo.- ulat ni Clariza de Guzman

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *